Nagpaalala ang Philippine Heath Insurance Corporation (Philhealth) sa mga miyembro na saklaw nila ang hospital treatment para sa leptospirosis at dengue.
Ayon sa state health insurer na maaaring makapag-avail ang mga miyembro ng P13,000 na dengue fever benefit package habang P16,000 naman para sa dengue hemorrhagic benefit package.
Samantala para naman sa mga dinapuan ng leptospirosis, maaaring makapag-avail ng benefit package na nagkakahalaga ng P14,300.
Base sa data mula sa Department of Health nanpatuloy ang uptrend ng kaso ng dengue sa bansa ngayong maulan ang panahon kung saan tumaas ng 25% ang kaso noong Agosto 4 hanggang 17 na may 36,335 cases.
Sa kabuuan mula Enero hanggang Setyembre 6, 2024, nasa kabuuang 108,965 na ang kaso ng dengue sa bansa.
Habang sa leptos naman, nasa kanbuuang 123 na ang kasong naitala sa buong bansa mula Agosto 18 hanggang 31 na naobserbahan ang pagtaas matapos ang pananalasa ng bagyong Carina at habagat noong Hulyo na nagdulot ng malawakang mga pagbaha sa Metro Manila at sa iba pang lugar sa bansa.