Nagdesisyon ang Philhealth na ibaba ang halaga ng kanilang panukalang budget para sa ika-tatlumpung taong anibersaryo nila sa susunod na taon.
Ito ay sa kabila ng mga batikos sa nauna nilang panukalang P137.7 million budget.
Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability inungkat ni House Assistant Majority Leader Mika Suansing ang naturang pondo na kumalat ang breakdown sa social media.
Dito na kinumpirma ni Renato Limsiaco, Senior Vice Pres. ng Philhealth na mula sa higit P137 million ay ibinaba na sa P48.5 million ang budget para sa kanilang anibersaryo.
Pero ayon sa Lider ng Kamara, kung hindi pa nasilip o kumalat ito sa social media, babawasan kaya ng Philhealth ang pondo o makakalusot na lamang ito.
Tiniyak naman ni Philhealth Pres. At CEO Emmanuel Ledesma, hindi na ito mauulit.
Sinabi ni Ledesma sa mga “future event” nila o anumang gastos ay mas magiging maingat o masinop sila.
Nagsagawa ng public briefing kahapon ang House Blue Ribbon Committee hinggil sa zero budget ng Philhealth sa ilalim ng 2025 national budget.