-- Advertisements --
Bato Go Pia Hontiveros Philhealth
Senate Committee on Health and Demography meeting and briefing of the country’s health situation and healthcare system (PRIB photo by Alex Nueva España)

Nasabon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pinuno ng PhilHealth na si Ricardo Morales, matapos nitong aminin na batid nila ang ilang anomalya sa tanggapan.

Pero hindi raw ito madaling mareresolba dahil sa dami ng mga ginagawa nila.

Sa isang buwan daw ay nasa 10 million transactions ang kanilang inaasikaso.

Para sa Metro Manila pa lang ay 10,000 na ang pumapasok na claims kada araw.

“It can happen at any point in the process. Philhealth has a complicated system. We have 10 million claims a month,” wika ni Morales.

Pero hindi rito kontento si Drilon dahil bahagi umano ng tungkulin ng ahensya na mapangalagaan ang pondo ng pamahalaan laman sa anumang katiwalian.

Obligado raw ang PhilHealth na resolbahin ang mga maling proseso at sistema para matiyak ang malinis na takbo ng serbisyo.