-- Advertisements --
PHILHEALTH

Pansamantalang pinatigil ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ang ilan sa mga sistema nito para macontain ang na-detect na information security incident nitong Biyernes.

Sa isang pahayag na inilabas ngayong araw, ipinaalam ng Philhealth sa publiko na pansamantala muna nitong shinut down ang kanilang sistema habang iniimbestigahan ang insidente at nagpapatupad ng containment measures laban sa cyber attack.

Kasama rin sa nagsasagawa na ng imbestigasyon sa naturang insidente ang Department of Information and Communications Technology at iba pang concerned government agencies.

Sinabi naman ng Philhealth na mag- iisyu ito ng abiso sa oras na maayos na ang apektadong sistema nito.

Sa kasalukuyan hindi ma-access ang website ng naturang korporasyon.

Nakatakdang ilabas din ngayong araw ang updates sa kanilang isinasagawang imbestigasyon.