-- Advertisements --
Kinansela ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang kanilang interim reimbursement mechanism (IRM) dahil sa nagaganap na imbestigasyon tungkol sa payment system.
Sa inilabas na advisory, na sa pamamagitan ng nasabing suspension ay magkakaroon sila ng panahon para maresolba ang anumang isyu.
Tiniyak ng PhilHealth na gagagawa sila ng paraan para maging kapakipakinabang ang IRM sa mga nangangailangan ng mga healthcare facilities na apektado ng pandemic.
Ang IRM ay sistema ng PhilHealth kung saan babayaran nila ang mga pagamutan at mga healthcare facilities ng advance para sa insurance claims.