Patuloy na nagbibigay ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ng accessible na pangangalagang pangkalusugan sa buong bansa.
Ito ay sa pamamagitan ng Konsulta Package program nito.
Sinabi ni Dr. Mary Antonette Yason-Remonte, Project Management Team head for Primary Care na sa paglobo ng populasyon, at pagbabago ng klima, mayroong paglitaw ng mga hindi nakakahawang sakit tulad ng hika, diabetes, hypertension at cancer, bukod sa iba pa.
Gayunpaman, mayroon pa ring mataas na pagkalat ng mga nakakahawang sakit, na nagreresulta sa pagbabago ng mandato sa pangangalagang pangkalusugan.
Ang nasabing programa ay makakatulong sa mga benipisyaryo na magkaroon ng mas madaling maaaccess na health care.
Inilunsad noong 2020, ang Konsulta package ay nag-aalok ng libreng pangunahing serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa mga miyembrong nakarehistrong outpatient.
Ang PhilHealth ay nakapagtala ng humigit-kumulang 103.8 milyong miyembro.
Gayunpaman, sa pagpapatupad ng Universal Health Care (UHC) Law, ang bawat Pilipino ay may karapatan sa mga benepisyong pangkalusugan.