-- Advertisements --
Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi kailangan ang Philippine Health Insurance Corp (Philhealth) Identification Number o PIN para sa mga nais magparehistro ng COVID-19 vaccination.
Kasunod ito sa pagkalat sa social media mula sa Philhealth na dapat tandaan ng mga nais na magpaturok ng bakuna ng kanlang PIN dahil ito ay kailangan.
Ayon sa DOH na ang nasabing PIN ay kinakailangan kapag ang isang tao ay kukuha ng kaniyang PhilHealth benefits.
Nanawagan din ng DOH na ang mga mamamayan na wala pang PhilHealth ay maaaring magparehistro na rin sa mga vaccination sites.