Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine Health Insurance Corporation na pinalawak na nila ang Z benefit package para sa mga breast cancer patients.
Sa isang press conference, iniulat ni Philhealth President at CEO Emmanuel Ledesma na aabot sa P1.4 milyon kanilang magiging package.
Ito ay naging epektibo na mula noong katapusan ng Marso ng kasalukuyang taon.
Mas mataas ito kumpara sa dating package na aabot lamang sa halagang P100,000.
Tugon ito ng ahensya sa panawagan ng mga breast canser patient na umaabot ng mahigit 27,000 kada taon.
Sinabi ni Ledesma na sa ilalim ng naturang package ang lahat ng stage ng breast cancer ay pasok sa mga maaaring makapag avail nito.
Aabot naman sa 21 ang mga accredited na ospital ng PhilHealth para makapag-avail ng Z Benefits Package at posible pang madagdagan ito.
Kasama sa mga hospital na ito ay ang Avenue Medical Center at PGH sa lungsod ng Maynila.
Kabilang sa mga maaaring maaavail na serbisyo ay ang mammogram, ultrasound, at ilang mga gamot sa cancer.