Inanunsyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pagpapalawig ng mga pribilehiyo na may kaugnayan sa patuloy na pag-optimize ng mga sistema hanggang Enero 31.
Ang anunsyo sa pamamagitan ng PhilHealth Advisory No. 2023-0039 ay nagbalangkas ng mga pagbabago na magkakabisa sa Pebrero 1, na nakakaapekto sa pagproseso ng mga claims at mga kaugnay na mga pamamaraan dito.
Samantala, hinggil sa mga detalye ng extension, ipinaalam na hanggang Enero 31 lamang ang mga prebilihiyo dahil sa PhilHealth Systems Optimization.
Binigyang-diin din nito na ang mga health facilities ay hinihimok na tandaan ang cutoff date na inilbas ng Philhealth.
Ito ay dahil ang lahat ng mga pribilehiyong nakabalangkas sa mga naunang advisories ay wawakasan simula Pebrero 1.
Bukod dito, nagbigay ang health insurer ng mga detalyadong paglilinaw sa mga panahon ng paghahain para sa mga claim na may kaugnayan sa PhilHealth Systems Optimization.