-- Advertisements --

Ikinokonsidera ni Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) president at chief executive officer Ricardo Morales na bumaba na sa kaniyang puwesto.

Ito ay matapos ang anomalyang bumabalot sa nasabing ahensiya.

Sinabi nito na ang kurapsyon na nagaganap sa PhilHealth ay hindi agad mareresolba kahit na buwanang palitan ang mga namumuno dito.

Sa matagalan na problema aniya ay kailangan ang matagalang solusyon.

Paglilinaw nito na pumasok siya sa PhilHealth bilang pabor mula sa kaibigan.

Noong 2019 ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Morales sa posisyon na isa ring retiradong heneral ng AFP.

Magugunitang tatlong opisyal ng Philhealth ang nagbitiw sa kanilang puwesto noong nakaraang linggo.