-- Advertisements --
Tiniyak ni Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) president and chief executive officer Ricardo Morales na kaniyang bubuwagin ang mga “mafia” sa loob ng kanilang opisina.
Ayon kay Morales, na agad niyang pananagutin ang mga nasa likod nito.
Isa kasi si dating PhilHealth boardmember Roberto Salvador ang nagbunyag noong Senate blue ribbon committee hearing kung sino ang nasa likod daw ng “mafia” na siyang may impluwensiya sa kompaniya.
Karamihan sa mga ito ay ang mga regional vice presidents na mariin ding pinabulaanan ang insidente.
Bumuo na rin si Morales na isang team para imbestigahan ang nasabing gumagawa ng anomalya sa ahensiya.