-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nasa “wait and see” mode pa sa ngayon ang regional office ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Bicol matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtanggal sa mga ito sa pwesto.

Subalit nilinaw na magkakaroon lamang ng reshuffle sa mga ito.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PhilHealth Bicol Regional Vice President Orlando IƱigo, wala pang bagong kautusan si bagong PhilHealth CEO at President Dante Gierran.

Base kasi sa proseso ng PhilHealth, magko-convene muna ang board upang maging miyembro si Gierran saka pagbobotohan upang maitalagang opisyal na presidente.

Maaalalang isinumite na sa Malakanyang ang report para sa kumpirmasyon ni Pangulong Duterte.