-- Advertisements --
Inaresto ng mga kapulisan ang tagapagsalita ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa cyberlibel.
Ayon sa mga Pasig City PNP, kinilala ang naaresto na si PhilHealth Senior Manager Rey Baleña kung saan galing ang warrant of arrest sa metropolitan trial court ng Cebu city.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng kapulisan si Baleña habang hinhintay ang commitment order mula sa issuing court.
Binisita na rin ni PhilHealth president and CEO Dante Gierran si Baleña habang hinihintay na ang ang mga dokumento na kailangan para sa pagpiyansa nito.