-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na mayroon silang sapat na pondo para mapunan ang lahat ng mga benefit package payments at planned expansions ng mga package rates hanggang sa susunod na taon.

Sinabi ni PhilHealth Senior Vice President Renato Limsiaco Jr. na lahat ng mga Pilipino ay maaaring makakuha ng kanilang benefit packages sa mga pagamutan at primary care at kahit na sila ay nagbabayad ng kanilang buwanang premiums o hindi.

Ang nasabing pahayag ay kasunod na pagkakaapruba ng Kongreso at Department of Budget and Management ng P53.26 bilyon na halaga ang premiums para sa 14 milyon ng kabuuang 25.28 milyon na mga indirect contributros ng PhilHealth.

Unang hinirit kasi ng Philhealth ng P150.92-B na budget para sa mga indirect contributors .

Paliwang ipa ni Limsiaco, na ang mayroong silang mga nakuhang pondo na galing sa mga sin tax fund gaya ng P40 milyon mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at P21.73-M naman saPhilippine Amateur Gaming Corporation (PAGCOR).

Sa susunod din na taon ay mayroon pang panibagong yugto na matatanggap sila mula sa PAGCOR at sa PCSO.

Mula kasi noong Oktubre 31, ay mayroong kabuuang P485-B at nakakulekta sila ng P172.3-B na premium payments noong Nobyembre 22.

Nakapagbigay na rin sila ng P148.4-B para sa benefits payments.