-- Advertisements --
Itinanggi ni Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) president and chief executive officer Ricardo Morales na may ‘mafia’ na namamayagpag sa kanilang opisina.
Sinabi ng Morales na ang kaso ay kawang gawa lamang dahil walang anumang konkretong ebidensiya ang ipinakita sa kanila.
Tiniyak din nito na makikipagtulungan siya sa gagawing imbestigasyon ng otoridad.
Nauna rito ibinunyag sa senate hearing ng dating Philhealth president Roy Ferrer na may mafia o grupo sa loob ng opisina na siyang may malaking impluwensiya.
Naglabas din ng hinaing ang 21 officers na kinasuhan ng graft and corruptions dahil sa ghost patients sa WellMed Dialysis Center.
Ayon sa grupo na ang alegasyon ay walang kuwenta at imbento lamang.