-- Advertisements --

Tiniyak ng workers union ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na sila ay makikipagtulungan sa bago nilang pangulong si Dante Gierran.

Sinabi ni Fe Francisco, ang pangulo ng Workers for Hope, Integrity, Transparency, and Empowerment (White) na handa silang makatrabaho ang kanilang bagong pangulo.

Bagamat may mga pagdududa sila ay ibibigay aniya nila ang lahat ng kanilang makakaya para tulungan si Gierran na malinisan ang PHILHEALTH.

Inilabas lamang kasi nila ang pagkabahala dahil naging pang-limang pangulo na ng Philhealth si Atty. Gierran sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Lahat aniya ng tulong ay kanilang ibibigay para sa pagsampa ng kaso sa mga sangkot sa anomalya.