Nagdagdag ng mas maraming patrol vessels sa West Philippine Sea ang Philippine Coast guard matapos ang pinakabagong insidente sa China.
Ayon sa Philippine Coast Guard, ito ay upang matiyak din ang kaligtasan ng mga mangingisdang Pilipino kasunod ng insidente noong Enero 9, kung saan naitataboy umano ng Chinese Coast Guard ang isang Filipino fishing boat sa Ayungin Shoal.
Itinaboy ng China coast guard ang bangkang pangisda ng mga Pilipino malapit sa Ayungin Shoal.
Sinabi naman ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista at PCG Commandant CG Admiral Artemio Abu na patuloy na susundin ng PCG ang rules-based approaches sa pagtiyak ng seguridad ng Exclusive Economic Zones (EEZ) ng bansa.
Samantala, inutusan naman ng Manila ang mga militar nito noong nakaraang buwan na palakasin ang presensya nito pagkatapos ng ulat na sinimulan ng China na bawiin ang ilang hindi nasakop na mga lupain sa paligid ng Spratly Islands.