LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng 9th Division Public Affairs Office na may Persons Under Monitoring (PUM) na sa mga militar sa Bicol dahil sa coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay DPAO chief Capt. John Paul Belleza sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, kabilang ang mga nasabing militar sa mga inilalatag sa checkpoints.
Dahil nasa frontline sa pagbibigay ng transport assistance at humaharap sa mga biyaherong hindi tukoy kung positibo o negatibo sa sakit, mas maigi na umano ang mag-ingat.
Hindi na rin idinetalye ng opisyal ang bilang ng mga PUMs sa kasalukuyan.
Batay sa protocol, sasailalim ang mga ito sa 14-day quarantine matapos ang deployment at medical team ng army ang in-charge sa pagmonitor.
Maliban sa checkpoints, tumutulong rin ang mga ito sa pagbiyahe ng mga frontliners habang bukas rin sa pagtanggap ng mga na-stranded dahil sa enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon.
May mga pasilidad ang militar sa pagtanggap ng mga walang matutuluyan dahil sa pagsasara ng ilang borders sa Bicol.