Hiniling ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang kooperasyon ng lahat ng sektor hinggil sa implementasyon ng agriculture roadmap ng bansa.
Sinabi ni Secretary Tiu na mahalaga ang isang multi-sectoral collaboration na maaaring gawing kapantay ng agrikultura ng Pilipinas ang mga dayuhang katapat nito upang matiyak ang seguridad sa pagkain.
Ayon kay Tiu hindi naman ito makukuha sa magdamag na kapag itinanim ngayon ay bukas aanihin na.
Inihalimbawa ni Tiu na kagaya ng irigasyon, solar-powered irrigation, solar powered cold storage ay aabot ng anim na buwan hanggang isang taon habang ang totoong irrigation dam ay aabot ng tatlong taon.
Siniguro ng Department of Agriculture (DA) na kanilang ipapatupad ang roadmap sa susunod na apat na taon.
Umaasa din si Tiu na maramdaman ng mga Filipino ang benepisyo sa mga hakbang na ginagawa ng ahensiya sa susunod na taon.
Sinabi ng Kalihim para sa kanilang 2025 budget, naka pokus ang ahensiya sa paggasta sa mga ispesipikong proyekto gaya ng irrigation systems, farm machineries, driers and silos at rice mills.
Positibo si Tiu na sa mga nasabing inisyatibo ng DA makakamit ng bansa ang 15-to 20 percent increase sa buffer stock kahit di tumataas ang local production.
-- Advertisements --