Nanawagan ng hustisya ang Philippine Air Force (PAF) sa pagkamatay ni SEA Games gold medalist Mervin Guarte
Si Guarte ang isang Airman First Class na sumali sa PAF sa pamamagitang direct enlistment noong 2015.
Ayon sa PAF, hangad nila ang hustisya sa pagkamatay ng national athlete na ilang beses nang nagbigay karangalan sa Pilipinas at sa air force sa pamamagitan ng iba’t-ibang international competition.
Tiniyak din ng PAF ang kahandaan nitong makipagtulungan sa Philippine National Police (PNP) para sa imbestigasyon at tuluyang pagbibigay-hustisya kay Guarte.
Tinawag ng hukbo ang batikang atleta bilang ‘accomplished’ soldier athlete at na may disiplina, dedikasyon, at commitment sa kaniyang tungkulin at trabaho.
Kahapon ng umaga (Jan. 7) nang pinagsasaksak si Guarte sa Calapan City, Oriental Mindoro.
Maaalalang nag-uwi si Guarte ng ilang medalya sa mga sinalihang sporting event na kinabibilangan ng isang ginto noong 2023 SEA Games, isang ginto noong 2019, at dalawang silver noong 2011. Ang mga naturang medalya ay pawang sa running events.