Tinapos na ng Philippine Air Force ang isang lingong operational exercise na tinawag na ‘Sanay-Bagwis’.
Sa isinagawang closing ceremony sa Col. Jesus Villamor Air Base, Pasay City, nagpasalamat si PAF Commanding General LtGen Stephen Parreno sa mga personnel na naging bahagi ng pitong araw na training at military drill.
Dito ay sumalang sa real-world scenario ang mga PAF personnel para makita ang kanilang kahandaan at koordinasyon, at mapataas ang kanilang kapabilidad na tumugon sa anumang banta.
Sa ilalim ng Sanay-Bagwis, tinutukoy dito ang kasalukuyang kapabilidad ng air force at ang mga adjustment na dapat gawin para maiwasan ang anumang mga security challenge.
Pagtitiyak ni Gen. Parreno, pananatilihin ng PAF ang commitment nito para protektahan ang airspace ng Pilipinas.
Ayon kay Parreno, kasabay ng modernisasyon ng air force ay ang tuloy-tuloy na pagpapalakas sa kapabilidad ng mga sundalo nito para makatugon sa pangangailangan.