-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Buo ang suporta ng LGU Kabacan Cotabato sa programa ng Department of Health (DOH) na tututok sa kalinisan ng bawat tahanan sa Pilipinas.

Ayon kay Kabacan Mayor Evangeline Pascua-Guzman ang programa ng DOH na Philippine Approach to Sustainable Sanitation o PHATSS program ay malaking tulong upang magkaroon ng malinis na palikuran ang bawat pamilyang KabacaƱo na magreresulta sa maayos na kalusugan ng mamamayan.

Sa isinagawang orientation, pinasalamatan ni Cotabato Provincial Sanitation Inspector Supervisor Emelinda Diesto ang LGU Kabacan na buo ang suporta sa programa. Hinimok din niya ang mga Barangay official na pangunahan ang kalinisan sa bawat tahanan sa kanilang nasasakupan.

Isa sa mga layunin ng programang PHATSS ay magawaran ng Zero Open Defecation ang lahat ng barangay ng bayan.