-- Advertisements --
military

Pormal nang binuksan ng Philippine Army (PA) ang 92 career and specialization courses para sa mga tauhan ng militar na naghahangad na umakyat sa kanilang karera.

Idinaos ang opening rites ng 2023 1st Training Cycle sa pinagsamang mga seremonya sa Training and Doctrine Command sa Camp O’ Donnell, Capas, Tarlac.

Ayon sa tagapagsalita ng Philippine Army na si Col. Xerxes Trinidad sinabi umano ni 5th Infantry Division Commander Brig. Gen. Audrey L. Pasia, na ang mga opisyal at kalalakihan na kukuha ng iba’t ibang kurso ay dapat na maging mahusay at gawin ang kanilang makakaya sa kani-kanilang pag-aaral sa nasabing career and specialization.

Dagdag dito, ang pagsasanay sa taong ito ay magsisilbi sa kabuuang halos 3,000 mga mag-aaral sa Philippine Army na sasailalim sa isang hanay ng mga kurso na kailangan para sa propesyonal na pagsulong.

Kaugnay niyan, ang mga mag-aaral ay dumalo sa seremonya ng pagbubukas on-site at sa pamamagitan ng video conferencing.

Sinabi rin ni Trinidad na si Philippine Army commander Lt. Gen. Romeo Brawner Jr. sa kanyang command guidance na “SERVE,” ay nagbigay-priyoridad sa pagpapahusay ng indibidwal sa kakayahan ng mga sundalo sa pamamagitan ng patuloy na pagsasanay.