-- Advertisements --

Kampante si Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Roy M. Galido sa usad ng Army modernization program sa susunod na taon.

Kasabay ng pagpapalit ng taon, sinabi ng heneral na ilang proyekto na ang nakahanay sa susunod na taon na pawang bahagi ng modernization program nito.

Ang mga ito ay bahagi aniya ng pagnanais ng pamahalaan na palakasin pa ang kapabilidad at kakayahan ng Hukbong Katihan, bagay na nagawa rin sa kasalukuyang taon.

Ibinida rin ni Galido ang mga nagawa ng Philippine Army (PA) ngayong 2024 tulad ng pagbili ng mga makabagong defense assets sa ilalim ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Revised Modernization Program na kasalukuyan nang nasa 3rd at huling yugto.

Ayon sa 3-Star general, ang mga bagong military at defense assets ay tiyak na magpapalawak sa kapabilidad at kakayahan ng PA na depensahan ang pambansang soberanya at tumugon kapwa sa mga traditional at non-traditional threats na kinakaharap ng basa.

Nagpasalamat din ang heneral sa mga sundalo ng bansa na patuloy na nagsisilbi at nagsasakripisyo para magampanan ang sinumpaang tungkulin.