![NPA 1](https://xrc.bomboradyo.com/newscenter/2022/12/NPA-1.jpg)
Hinikayat ngayon ng pamunuan ng Philippine Army (PA) ang mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) na magbalik loob na sa gobyerno imbes na ituloy ang armadong pakikibaka.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Philippine Army Spokesperson Col. Xerxex Trinidad, iisa ang panawagan ng mga military commanders sa mga miyembro ng NPA na sumuko na sa pamahalaan at mamuhay ng normal dahil hindi pa huli na magbagong buhay.
Ngayong araw ginugunita ng CPP-NPA-NDF ang kanilang ika-54th anniversary at dahil dito naka alerto ang buong pwersa ng militar laban sa mga posibleng pag atake.
Sa panig naman ni Armed Forces of the Philppines (AFP) Spokesperson Col. Medel Aguilar, simula ng itinatag ang CPP sa bansa ang underground movement ng komunistang grupo ay hindi nagawang i-achieved ang kanilang adhikain.
Sa ngayon ayon sa AFP dahil sa pinalakas na kampanya laban sa insurgency humina na ang pwersa ng NPA.
Batay sa datos ng militar nasa 23 na lamang ang namonitor nilang guerilla fronts at lima na lamang dito ang active.
Malaking dagok din sa organisasyon ang pagkamatay ng kanilang mga leaders lalo na ang pagpanaw ni Joma Sison.
” As the UGM struggled to establish a guerilla front in every congressional district of the country, its leaders and members can only watch with frustration and helplessness as the governments security operations and development programs decapitates them,” wika ni Col. Aguilar.