-- Advertisements --
Iginiit ng pamunuan ng Philippine Army na mananatili ang kanilang hanay na tapat sa konstitusyon at sa mamamayang Pilipino.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Colonel Louie Dema-ala, hindi na kailangan pa ng Hukbong Katihan na magsagawa ng loyalty check sa lahat ng kanilang mga sundalo.
Ginawa ng opisyal ang pahayag kasunod ng mga naging ingay sa pulitika at pagkaka-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Nanindigan rin si Dema Ala na nananatili silang propesyonal at nakatuon lamang sa kanilang sinumpaang mandato.
Ito ay ang ipagtanggol ang kalayaan maging ang soberanya ng Pilipinas.
Paliwanag pa nito na ang kanilang hanay ay sumusunod sa chain of command.