-- Advertisements --
armybrawner2

Ipinag-utos ni Philippine Army (PA) commander Lt. Gen. Romeo Brawner Jr. ang bagong hinirang na 9th Infantry Division chief na si Maj. Gen. Adonis Bajao na suportahan ang mga operasyon at tagumpay ng unit laban sa mga rebeldeng komunista sa mga lugar ng operasyon nito.

Kung matatandaan, noong Linggo, pormal na umupo si Maj. Gen. Adonis Bajao bilang command ng 9th Infantry Division na nakabase sa Camarines Sur.

Sinabi rin ng hepe ng Philippine Army na sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan, higit na makapagsilbi ng maayos ang militar sa bansa.

Ito ay para maipagpatuloy rin umano ang kanilang mga gawain o operasyon laban sa mga komunistang grupo partikular na ang rebeldeng New People’s Army.

Dagdag dito, si Bajao ay nagsilbing 35th vice commander ng Philippine Army bago pinangalanan bilang 9th Infantry Division commander.

Pinalitan ni Bajao si acting 9th Infantry Division commander Brig. Gen. Jaime Abawag, na babalik sa dating pwesto bilang vice commander ng unit na kanyang pinangungunahan.