-- Advertisements --
image 240

Nagtalaga ang 11th Infantry Battalion ng Philippine Army ng mas maraming sundalo sa Negros Oriental kasunod ng pagpatay kay Governor Roel Degamo noong Marso 4.

Ang deployment ay ginawa upang ma-secure ang ilang bahagi ng lalawigan habang nagpapatuloy ang paghahanap sa mga pumatay kay Degamo. 

Pinaghahanap pa rin ng Army ang iba pang posibleng suspek sa pagpatay kay Degamo na posibleng nagtatago pa sa bulubunduking lugar ng Negros Oriental at posibleng sa Negros Occidental.