-- Advertisements --
Screenshot 2019 07 04 14 56 19
Interior and Local Government Secretary Eduardo Año

Inihayag ng Philippine Army na ang pagtatalaga kay dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Eduardo Año bilang National Security Adviser (NSA) ay lubos na magpapagana at magpapalakas sa National Security Council (NSC).

Ayon sa tagapagsalita ng Philippine Army na si Col. Xerxes Trinidad, ang lawak at lalim ng pamumuno ni Año at karanasan sa pangangasiwa ay tiyak na magpapalakas sa ahensya na kung saan ito ay ang katawan ng gobyerno na nagpapayo sa Pangulo at Commander-in-Chief sa mga isyu na may kaugnayan sa pambansang seguridad ng bansa.

Dagdag niya, bilang mahalagang bahagi ng pagtatayo ng pagtatanggol at seguridad ng Pilipinas, ay tinatanggap umano ng Philippine Army ang pagkakatalaga kay Año bilang National Security Adviser.

Ang 61-anyos na retired general ay miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1983.

Kaugnay niyan, naglingkod siya bilang kalihim ng Department of the Interior and Local Government sa ilalim ng administrasyong Duterte mula taong 2018 hanggang 2022.

Una rito, pinalitan niya si Dr. Clarita Carlos, na bumaba sa puwesto upang ipagpatuloy ang kanyang pagpupursige sa scholastic endeavors sa Congressional Policy and Budget Research Department ng House of Representatives ng ating bansa.