-- Advertisements --

Nilawakan pa ng Philippine Army ang isinasagawang imbestigasyon sa nangyaring pananambang sa convoy ni South Upi Vice Mayor Roldan Benito.

Ayon Major Gen. Antonio Nafarrete, commander ng 6th Infantry Division Philippine Army, hiniling na nito ang tulong ng mga local officials upang matukoy at matunton ang gunmen na nasa likod ng pananambang.

Nangako rin aniya ng suporta ang mga local leaders at mga lider ng mga ethnic group sa imbestigasyong isinasagawa ng mga otoridad.

Agosto a-dos noong tinambangan ang convoy nina V-Mayor Benito habang binabaybay ang isang kalsada sa South Upi.

Kasama ng bise alkalde na napatay ay ang kanyang private bodyguard na si Wng Marcos.

Maswerte namang nakaligtas ang iba pang kasama sa convoy kasama ang maybahay ng bise alkalde.

Samantala, tiniyak din ni Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region Director PBGen Prexy Tanggawohn ang mas malawak na imbestigasyon sa naturang pananambang.