-- Advertisements --

Umalalay na rin ang Philippine Army unit at reservists, sa paglikas ng mga biktima ng bagyong “Enteng” sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas na naapektuhan ng naturang sama ng panahon.

Partikular na rito ang grupo ng Disaster response mula sa 16th Infantry Battalion ng 2nd Infantry Division na umasiste sa mga residente sa Labo, Camarines Norte.

Nagsagawa na rin ng rescue operation ang 84th Infantry Battalion ng 7th Infantry Division para naman sa mga biktima ng bagyo sa San Jose City, Nueva Ecija.

Nailigtas naman ng 1st Infantry Battalion ng 202nd Infantry Brigade ang isang buntis na malapit ng manganak sa Sinag-Tala, Mabitac, Laguna.

Tiniyak naman ng Philippine Army na nakahanda silang tumulong anumang oras.