-- Advertisements --
arnis eskrima kali migz
Philippine Eskrima Kali Arnis Federation Board of Directors with members of the Philippine National Arnis Team who participated in the recent 2019 World Martial Arts Festival in Chungju, South Korea pose with PEKAF chairman and president, Senator Juan Miguel F. Zubiri (file photo)

VIGAN CITY – Paghahandaan na umano ng Philippine Arnis Team ang kanilang lalahukang world tournament sa susunod na taon pagkatapos ng kanilang matagumpay na kampanya sa nagpapatuloy na 30th Southeast Asian Games.

Maaalalang nakasungkit ng 14 na gintong medalya at dalawang pilak ang mga arnis athletes ng bansa sa kanilang mga sinalihang kategorya sa nasabing regional biennial meet kung saan sila ang nakapag-ambag ng pinakamaraming medalya para sa Team Philippines.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan, sinabi ni Carloyd Tejada, isa sa mga gold medalist ng national team sa Arnis na sa buwan ng Pebrero sa susunod na taon ay sisimulan na umano nila ang kanilang pagsasanay para sa sasalihang world tournament sa buwan ng Hulyo.

Samantala, nagpapasalamat naman si Tejada sa lahat ng sumuporta sa kaniya at sa buong national team ng arnis na nagsilbing motivation at inspirasyon nila upang makamit ang tagumpay, kabilang na si Sen. Migz Zubiri na siyang presidente ng Philippine Arnis Kali Eskrima Federation at ang Philippine Sports Commission.