Sisimulan na ng Philippine Army at Australian Army ang joint military drill na tinawag bilang Kasangga Exercises.
Magsisilbing pangunahing venue nito ang probinsya ng Camarines Sur sa Bicol Region.
Ayon kay Army spokesperson Col. Louie Dema-ala, sasalang ang mga sundalo sa ilang serye ng military at combat training tulad ng urban operations, close combat techniques, combat shooting, at tactical casualty care.
Sa naturang drill ay may kabuuang 266 na sundalong makikibahagi na binubuo ng 216 na sundalong Pinoy at 50 Australian Army personnel.
Bago nito ay isinagawa ang unang yugto ng Kasangga Exercises sa probinsya ng Isabela(Region II) noong buwan ng Mayo hanggang Hunyo, 2024.
Magtatagal naman ang panibagong yugto ng naturang military exercise sa Nobiembre-8, 2024.