-- Advertisements --
image 474

Nakatakdang sumali sa rocket system live fire exercise ang mga tropang Pilipino at Amerikano na kalahok sa “Salaknib” exercises ngayong taon sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija sa April 1.

Ayon kay Ph Army spokesperson Col. Xerxes Trinidad, ang Army Artillery Regiment, Multi-Launch Rocket System Battery personnel at ang kanilang mga katapat sa US ay nakatakdang magsagawa ng rocket system live-fire exercise.

Kung matatandaan, noong nakaraang Marso 16, sinimulan ng mga tauhan ang US Multi-Domain Task Force ang rocket system subject matter expert exchange (SMEE) sa headquarters sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.

Sinabi ni Trinidad na ang rocket system na ay nakatuon sa pagsasanay sa mga kalahok sa mga pamamaraan na namamahala sa employment and deployment of rocket weapon systems at ang kanilang pagsasama sa iba pang mga asset na may kinalaman din sa sunog.

Sinabi ni Trinidad na ang Ph Army ay nakatutok sa pagpapahusay ng mga indibidwal na kakayahan ng mga sundalo at unit competencies sa pamamagitan ng training exercies.

Una na rito, ang “Salaknib” exercise drills ng Philippine at US Army ay nagsimula noong Marso 13 at magtatapos naman sa ika-4 ng Abril ngayong taon.