BACOLOD CITY – Humihiling ang Philippine Bowling Federation kasama si Bowling Champion and Hall of famer Paeng Nepomuceno na ma aprobahan ang nasabing laro bilang unang sport na makakabalik kung saan hindi naman nakapaloob ang physical contact.
Sa ibinahagi sa Star FM Bacolod ni Nikko Go, President of Summer capital tenpin bowling association, una na silang nagnanais na payagang buksan ang bowling centers Baguio City dahil alam nilang ligtas itong laruin, kaya nais muna nilang makausap ni Mayor Benjamin Magalong.
Sa panayam ng Star FM Bacolod kay Philippine Senior Bowlers Chairman and Philippine Bowling Federation President Steve Robles, sinabi niyang buong bowler athletes sa Pilipinas ang nais nilang maka balik na sa ensayo dahil maaari naman silang magkaroon ng kanya-kanyang bola at ibang kailangan para masunod parin ang sanitation sa paligid at equipment ng bowling centers.
Dagdag pa niya na sang ayon sila sa sinabi ni Paeng Nepomuceno na ang Bowling ay once sport na pwedeng laruin kahit sa panahon ng Pandemic dahil ito naman ay non contact.
Ang bowling umano ay pwede sa ano mang edad, na maganda ding excercise sa pagpasok ng new normal.