-- Advertisements --
Patuloy ang paghingi ng suporta sa gobyerno at sa ilang pribadong grupo ang Philippine Canoe Kayak Federation.
Kasunod ito sa pagkampeon ng bansa sa katatapos lamang na ICF Dragon Boat World Championships na ginanap sa Puerto Princesa, Palawan.
Sinabi ni Philippine Canoe Kayak Federation president Leonora Escollante , na magandang ipinamalas ng bansa ay mararapat na may malaking suporta na itong makuha sa gobyerno.
Dagdag pa nito na marami pa ring mga pagbabago ang gagawin ng grupo para mas lalong umangat ang kanilang paglalaro.
Bukod kasi sa gobyerno marapat din na mapansin ng ilang mga privated group para ang mga ito ay lalong mamayagpag.