Ikinatuwa ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pangako ng Philippine National Police (PNP) na paigtingin ang kanilang pagsugpo sa illegal gambling sa bansa.
Makakatulong ito sa ahensya na makapagbigay ng mas magandang serbisyo sa publiko.
Kung matatandaan, nagbigay ng pangako si PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. kay Philippine Charity Sweepstakes Office general manager Melquiades Robles sa isang pulong.
Tiniyak ni Acorda kay Robles na mahigpit niyang ipatutupad ang one-strike policy laban sa mga police commander na mabibigo na itigil ang mga aktibidad ng illegal gambling sa kani-kanilang mga lugar ng responsibilidad.
Bilang kapalit, pinasalamatan ni Robles si Acorda sa kanyang suporta at pangako sa kampanya ng gobyerno laban dito.
Binanggit niya na ang operasyon ng ilegal na pagsusugal ay sumisira sa kakayahan ng ahensya na makabuo ng mas mataas na kita dahil ang mas malaking bahagi ng kanilang mga kita ay napupunta sa mga kamay ng mga illegal operator.
Ang Philippine Charity Sweepstakes Office ay ang pangunahing ahensya na may tungkulin sa paglikom at pagbibigay ng pondo para sa mga pangunahing programang pangkalusugan ng gobyerno, tulong at serbisyong medikal para sa mamamayan.