-- Advertisements --
image 437

Kailangan umano patunayan ng Philippine Coast Guard at MARINA na wala silang kasalanan matapos na payagang maglayag ang MT Princess Empress sa kabila ng kawalan ng lisensya nito.

Ayon kay Cynthia Villar ang chairperson ng Senate committee on Environment, Natural Resources and Climate Change, haharapin ng Philippine Coast Guard at MARINA ang mga reklamo kung matuklasan na sila ay nakagawa ng mga lapses sa nasabing insidente.

Nauna nang sinabi ni Department of Justice spokesperson Mico Clavano na may maliwanag na kapabayaan sa panig ng mga ahensya at tnitingnan na ng isang inter-agency committee ang mga isyung nakapalibot sa oil spill.

Dagdag naman ni Villar na ang oil spill mula sa lumubog na motor tanker sa Oriental Mindoro ay nagdulot ng bilyun-bilyong pisong halaga ng pinsala at naapektuhan ang kabuhayan ng mga residente, partikular ang mga mangingisda.