-- Advertisements --
image 263

Binuweltahan ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang naging pahayag ng Chinese Foreign Ministry spokesperson Wang Wenbin kaugnay ng laser-pointing incident sa Ayungin Shoal noong Pebrero.

Ayon kay Philippine Coast Guard Commodore Jay Tarriela, lumalabas umanong ang mga coast guard pa ng bansa ang nagsisinungaling pero ni minsan daw ay hindi ito ginawa ng tropa ng pamahalaan.

Sinabi rin ni Tarriela na mahirap daw na paniwalaan ang Chinese official matapos nitong umpisahan ang kanyang statement sa umano’y “indisputable sovereignty” ng China sa Ren’ai Reef (Ayungin Shoal).

Sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa isang press conference kahapon na gumamit lamang ang Chinese Coast Guard (CCG) ng “hand-held laser” para masukaty ang distansiya ng bilis ng Philippine ship at signal directions para sa navigation safety.

Itinanggi rin nito na sa Chinese Coast Guard vessel nanggaling ang lasers na itinutok sa Philippine crew.

Sinabi nitong ang hand-held equipment ay hindi naman naging dahilan ng damage sa barko ng Pilipinas at kung sino mang nakasakay dito.

Pero pinanindigan naman ni Tarriela na isang military-grade laser ang ginamit at hindi regular laser lamang.

Kung maalala, noong Pebrero 6, itinutok ng Chinese Coast Guard vessel ang isang military-grade laser laban sa Philippine Coast Guard ship na nagsasagawa ng resupply mission para sa mga tropta ng pamahalaan na naka-istasyon sa Ayungin Shoal.

Ayon sa PCG, nagdulot ang laser ng temporary blindness sa ilang crew members na sakay ng naturang barko.

Agad namang ipinatawag naman ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian para pa-usapan ang isyu.

Kasunod nito ay nakipagpulong naman si Wang kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Andres Centino.

Una rito, naghain na rin ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng diplomatic protest laban sa China kaugnay ng naturang insidente.