-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Mas hinigpitan na ng Philippine Coast Guard ang pagbabantay sa mga pantalan kasabay ng inaasahang dagsa ng mga pasahero ngayong papalapit na ang Pasko at bagong taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazp kay Coast Guard Lt. Mark Anthony Tolentino ang Operation Officer ng Coast Guard District Bicol, naka-heightened alert na ang ahensya at nakapagdeploy ng nasa 300 na mga tauhan sa mga pantalan sa rehiyon.

Naglagay na rin ng mga assistance desk kasama ang Philippine National Police, Maritime Industry Authority at mga lokal na gobyerno na nagbibigay seguridad sa mga pantalan at nakabantay sa galaw ng mga pasahero.

Sa ngayon normal pa ang bilang ng mga dumadating na pasahero subalit inaasahan na magsisimula ng dumagsa ang mga biyahero ngayong Disyembre 16.

Mahigpit naman ang payo ni Tolentino sa mga babiyahe ngayong holiday season na alamin ang mga dapat at hindi dapat dalhin sa pantalan upang hindi magkaproblema at tuloy-tuloy lang ang biyahe.