-- Advertisements --
image 481

Inaasahan ng Philippine Coast Guard ang karagdagang 4,000 na tauhan na magpapalakas sa pwersa ng ahensiya partikular sa kanilang kakayahan.

Matatandaan sa unang taon ng pamumuno ni Pangulong Bongbong Marcos, nagdagdag ito ng karagdagang 4,000 personnel kaya umabot na ngayon sa 26,000 ang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon kay Commodore Tarriela, mahalaga na magkaroon ng response base maging ang PCG Modernization Law, at mga berthing space para sa mga sasakyang pandagat nito.

Aniya, nangangailangan ang Coast Guard ng karagdagang pondo mula sa gobyerno at ikinatuwa ang posibilidad ng magkaroon ng joint maritime patrol kasama ang United States Coast Guard.

Pagkatapos ay hinikayat niya ang mga mangingisdang Pilipino na nagsasagawa ng mga operasyon sa pinag-aagawan na karagatan na iulat ang anumang hindi kanais-nais na insidente, na sinasabi na ang PCG ay laging handang tumugon at sumuporta.

Nauna nang sinabi ni Marcos na hindi ibibigay ng Pilipinas ang isang pulgada ng teritoryo nito at nangakong itataguyod ang integridad ng teritoryo, kasunod ng paggamit ng China ng military-grade laser laban sa PCG habang nasa resupply mission para sa mga Filipino troops na nakatalaga sa Ayungin Shoal noong Pebrero 6.