-- Advertisements --

Itinalaga bilang tagapagsalita ng Philippine Coast Guard si Commodore Algier Ricafrente.

Papalitan ni Ricafrente si Rear Admiral Armando Balilo na nakatakdang magretiro na sa darating na Setyembre 30 matapos ang 3 dekadang serbisyo.

Sa ginawang turnover ay pinasalamatan ni Balilo ang mga nakasama nito sa Coast Guard Public Affairs Service (CGPAS).

Hiniling din nito sa mga mamamahayag n tanggapin si Ricafrente na siyang magbibigay na ng mga impormasyon sa mga kaganapan sa PCG.

Si Balilo ay itinalagang PCG spokesperson noong 2003.