-- Advertisements --
cropped Martin Dino DILG 1

Naghain ng complaint ang Philippine Coast Guard sa Securities and Exchange Commission (SEC) at sa Bataan Prosecutor’s Office laban sa mga incorporator ng umano’y “bogus” auxiliary group ng organisasyon.

isa sa mga incorporators ay si dating Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño.

Habang ang iba pang incorporators ay sina Renante Nase, Agustin Soria, Jr., Laurence Nase, Reniel Nase, Jerry Delos Santos, at Christine Lingat.

Ayon kay PCG spokesperson Armando Balilio, nakatanggap sila ng report na nag-rerecruit ang grupo at nagpapataw ng fee para lumahok sa kanilang organisasyon.

Ang PCG Station Bataan naman ay naghain din ng mga kaso ng estafa, usurpation of authority at unlawful use ng logo at insignias laban sa grupo sa Bataan Prosecutor’s Office sa Balanga City noong January 13.

Pagbubunyag ng PCG na nasa 500 na residente ng Bataas ang na-recruit ng grupo at nasa 50 dito ang kasama ng PCG Station BAtaan sa paghahain ng nasabing mga kaso.

Makikipag-ugnayan na rin ang PCG sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) kaugnay sa naturang insidente para maaresto ang mga responsable sakasling ipagpatuloy ang misrepresentation sa PCG at pag-solicit ng pera mula sa mga ordinaryong tao na kanilang nirerecruit sa kanayunan.