-- Advertisements --

abu

Naka-heightened alert ngayong Semana Santa ang Philippine Coast Guard (PCG), kasunod sa inilabas na direktiba ni Transportation Secretary Jaime Bautista.

Ito ang Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa and Summer Vacation 2023.

Layon nito para matiyak na maayos ang pagbiyahe ng mga kababayan natin na magsisiuwian sa mga probinsiya.

Ayon kay Philippine Coast Guard Deputy Commandant for Operations, Vice Admiral Rolando Punzalan, magiging epektibo ang heightened alert status sa April 2 hanggang April 10,2023.

Mahigpit din nakikipag-ugnayan ang PCG sa Philippine Ports Authority at Marina para matiyak na ligtas ang ating mga kababayan sa biyahe gayundin ang mga sasakyang pandagat.

Sinabi ni Punzalan, pinalakas ng Coast Guard ang kanilang presensiya sa mga pier lalo at dagsa ang mga turista lokal man o banyaga.

Pagaganahin na rin ng Coast Guard ang kanilang K-9 units, medical teams at security personnel at maging mga vessel inspectors para bantayan ang over capacity ng isang passenger vessel.

Panawagan naman ng Coast Guard sa mga kababayan nating bibiyahe na mag doble ingat.

Siniguro ni Punzalan na makakaasa ang publiko na kanilang gagawin ang kanilang tungkulin.