Tiniyak ng Philippine Coconut Authority (PCA) ang patuloy na expansion at modernization ng coconut industry ng bansa.
Sinabi ni PCA administrator Roel Rosales ang administration daw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay target mapalawak ang coconut production.
Ani Rosales, ito raw kasi ay isang pinagkukuhanan ng kita sa bansa kaya tuluy-tuloy ang pagtatanim ng mga magsasaka.
Sa ngayon daw ay ang mga tinatanim ay mas mahuhusay na uri ng pananim at ang tawag dito ay coconut hybrid.
Paliwanag niya, ito ay kombinasyon ng good quality ng tall variety at dwarf variety ng niyog.
Ito ay combination din umano ng “best qualities” ng dalawang uri ng niyog na makakatulong para mamunga ng mas marami at sa mas maagang period ang mga pananim na niyog.
Naniniwala ang opisyal na sa pamamagitan ng naturang stratehiya ay makakatulong ito para makamit ang pangangailangan ng bansang makapag-produce ng food at non-food industrial products.
Sa ilalim ng coconut expansion program, ang PCA ay magdadala ng comprehensive strategies kabilang na ang hybridization, fertilization intervention para sa mas mabilig na turnaround at intercropping o farm diversification para sa alternative source of income ng mga magsasaka.
Dahil dito, hinimok ni ang mga local farmers na magtayo ng mga asosasyon o kooperatiba para mapaganda pa ang pagpapatupad ng expansion at modernization programs.