-- Advertisements --
Nagsasagawa na ang Philippine Competition Commission (PCC) ng imbestigasyon sa posibleng cartel na nagaganap sa suplay ng sibuyas sa bansa.
Mula pa aniya noong Nobyembre 2022 ay sinimulan na nila ang imbestigasyon kung saan posibleng mayroong cartel na nagaganap.
Nakipag-ugnayan na sila sa iba’t-ibang ahensiya ukol sa nasabing usapin.
Sinabi naman ni Department of trade and Industry Secretary Alfredo Pascual na tinutulungan nila ang Department of Agriculture sa pagbabantay ng mga presyo ng sibuyas sa merkado.