-- Advertisements --

Nananawagan ng mas maraming Filipino Language and Culture classes ang Philippine Consulate sa Calgary sa pangunguna ni Philippine Consul General sa Alberta, Canada Zaldy Patron.

Ang naturang classes ay naka sentro sa wika at kulturang Filipino.

Ginawa ni Consul General Patron ang pahayag kasabay ng ginanap na joint webinar sa pagitan ng Philippine Consulate at Alberta Ministry of Education.

Sa naturang event ay tinalakay ang sertipikasyon sa mga guro kabilang na ang Filipino language program na pinangunahan ng mga kawani at opisyal mula sa Alberta Education.

Iprinisinta rin sa nasabing webinar ang mga pagtaas sa bilang ng mga mag-aaral sa sa ilalim ng Filipino subjects sa ilang mataas na paaralan sa naturang lugar.

Kaugnay nito ay hinimok ni Consul General Patron ang mga Pilipino guro na mag-apply sa nasabing certification.