Pinaalalahanan ng Philippine Consulate General in Hongkong ang Filipino Community sa naturang bansa na huwag magbenta ng produktong alak nang walang lisensya.
Sa isang public advisory, nagpaalala rin ang konsolada na huwag uminom ng mga nakalalasing na produkto sa mga ipinagbabawal na lugar.
Ito ay kasunod ng pagkakaaresto ng 11 na Filipino nationals at isa nga rito ay dahil sa pagbebenta ng alak habang ang dalawa ay dahil sa pag-inom ng alak sa ipinagbabawal na lugar.
Ang pagbebenta ng mga nakakalasing na produkto sa Hongkong ay isang seryosong opensa at mayroon itong karampatang parusa na HK$1,000,000.00 o katumbas ng halos 7 million pesos at dalawang taon na pagkabilanggo.
Tinatayang aabot rin sa HK$2,000.00 o katumbas ng mahigit 14,000 pesos ang penalidad sa mga individual na mahuhuling umiinom ng alak sa mga hindi lisensyadong lugar.