-- Advertisements --

Iginiit ng Philippine Consulate sa Dubai na walang anumang insidente ng pamamahagi ng “pre-shaded” ballots doon o kahit na anong insidente na katulad nito.

Sa isang statement ay binigyang-diin nito na wala umanong namataan na anumang iregularidad ang mga saksing poll watchers mula as magkakaibang political party na dumalo sa buong panahon ng pagboto.

Tiniyak din ng consulate sa publiko na recorded at agad nilang i-uulat sa Commission on Election (Comelec) para sa kaukuluang aksyon kung sakaling mayroon man na maganap na ganitong klaseng mga pangyayari.

Ipinaliwanag din nito na ang iba’t-ibang mga pamamaraan upang matugunan ang mga kaparehong sitwasyon tulad nang pagsasabi ng mga botante sa ng kanilang concern sa election boards.

Samantala, tinataya naman na nasa mahigit 3,000 ang bilang ng mga Pilipinong botante ang nakibahagi sa naturang overseas absentee voting.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Ambassador Hjayceelyn Quintana sa lahat ng mga kababayan nating nakiiisa at boluntaryong nagserbisyo bilang poll watchers sa nasabing eleksyon.