Natanggap na ng Philippine Consulate General sa New York ang vote counting machines (VCMs) at iba pang mga election paraphernalia na gagamitin sa May 9 elections matapos ang ilang mga delay.
Ayon kay Consul General Elmer Cato, kabilang sa mga natanggap na election materials ng Consulate ay ang mga official ballots.
Gaya ng ipinangako, sisimulan nila ang proseso sa pagkuha ng mga balota sa mga overseas voters sa northeast ng America mamayang hapon sa naturang bansa.
Sisimulan pa lang din kasi aniya nila ang pagpapadala ng first batch ng overseas ballots para sa mga overseas absentee voters sa New York at iba pang bahagi ng northeast ng America.
Nabatid na Abril 10 dapat nagsimula na ang overseas absentee voting pero hindi nakaboto ang mga registered Filipino voters sa northeast ng America noong araw na iyon.
Ito ay dahil na rin sa delay sa shipment ng VCMs, official ballots at election paraphernalia na gagamitin sa overseas absentee voting.